Laktawan patungo sa nilalaman

Pagkalkula ng Panahon

makipag-ugnayan sa amin

Depende sa uri ng sentensya at sa tagal ng aktibong panahong ipinataw, sinuman sa mga lokal o pang-estadong awtoridad ang magpapasya sa petsa ng pagpapalaya ng isang bilanggo.

Mga Sentensya sa Allowance para sa Magandang Pag-uugali

Ang mga sentensyang kwalipikado sa parole na Allowance para sa Magandang Pag-uugali (GCA) ay nauugnay sa:

  • Mabibigat na pagkakasala na nagawa bago ang Enero 1, 1995
  • Hindi mabibigat na pagkakasala na nagawa bago ang Hulyo 1, 2008

Kakalkulahin ng VADOC ang pagiging kwalipikado ng isang bilanggo para sa discretionary parole, mandatoryong pagpapalaya sa parole, at mga petsa ng pagpapalaya dahil sa mabuting asal kapag nakatanggap ng aktibong sentensya o kumbinasyon ng mga sentensyang kwalipikado sa parole ng GCA na may kabuuang higit sa 12 buwan.

Hindi kwalipikado ang hindi mabibigat na pagkakasalang nagawa noong o pagkatapos ng Hulyo 1, 2008 para sa pagsasaalang-alang sa parole at hindi kinakalkula ng VADOC maliban kung ang mga ito ay kasama ng iba pang sentensyang may pananagutan sa estado.

Nakakaipon ang mga sentensya sa GCA ng allowance sa mabuting asal sa rate na 0 araw hanggang 30 araw bawat 30 araw na pagkakakulong at tinutukoy ito ng antas ng klase kung saan nakakaipon ang bilanggo. Makikita ang mga karagdagang detalye tungkol sa sistema ng pag-uuri para sa allowance sa mabuting asal sa Kodigo ng Virginia §53.1-198; §53.1-202.

Mga Sentensya sa Naipong Kredito sa Sentensya

Ang mga sentensya sa Naipong Kredito sa Sentensya (ESC) ay nauugnay sa mabibigat na pagkakasalang nagawa noong o pagkatapos ng Enero 1, 1995. Sa pangkalahatan, hindi sila kwalipikado para sa discretionary o mandatroyong parole. Gayunpaman, ang mga pagbabagong pambatasang ipinatupad noong 2020 ay nagbibigay-daan sa pagiging kwalipikado para sa parole ng mga partikular na sentensya sa ESC tulad ng nakasaad sa Kodigo ng Virginia §53.1-165.1, subsection B at E.

Kakalkulahin ng VADOC ang petsa ng pagpapalaya ng bilanggo kung mayroon siyang aktibong sentensya sa ESC na higit sa 12 buwan. Ang dami ng mga naipong kredito sa sentensya na inilapat sa mga sentensya sa ESC ay tinutukoy ng pagkakasala, o ng pinagbabatayang pagkakasala para sa mga paglabag sa probasyon, ayon sa nakasaad sa Kodigo ng Virginia §53.1-202.3.

Naipong Kredito sa Sentensya–1

Mga pagkakasalang nakasaad sa Kodigo ng Virginia §53.1-202.3, subsection A:1-17, naipon sa rate na 0 hanggang 4.5 araw bawat 30 araw ng pagkakakulong at itinalaga bilang mga sentensya sa Naipong Kredito sa Sentensya-1 (ESC-1). Ang rate ay tinutukoy ng antas ng klase kung saan nakakaipon ang bilanggo.

Naipong Kredito sa Sentensya–2

Ang anumang sentensyang may pagkakasala na kwalipikadong makaipon ayon sa nakasaad sa Kodigo ng Virginia §53.1-202.3, subsection B, ay makakaipon ng 0 hanggang 15 araw bawat 30 araw ng pagkakakulong at itinalaga bilang mga sentensya sa Naipong Kredito sa Sentensya-2 (ESC-2). Ang rate ay tinutukoy ng antas ng klase kung saan nakakaipon ang bilanggo.

Matatagpuan sa Kodigo ng Virginia §53.1-202.2 ang higit pang detalye tungkol sa sistema ng pag-uuri para sa mga naipong kredito sa sentensya; §53.1-202.4.

Pagkalkula ng Mga Petsa ng Pagpapalaya

Ang haba ng oras na kinakailangan para makumpleto ang isang sentensya, maging GCA o ESC man, ay nakadepende sa maraming salik. Natatangi ang bawat rekord at kakalkulahin ang mga petsa ng pagpapalaya batay sa mga indibidwal na salik.

Kasama sa mga salik na iyon, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

  • Tagal ng panahong ginugol sa bilangguan bago matanggap ng VADOC
  • Uri ng sentensya
  • Kabuuang sentensyang ipinataw
  • (Mga) Antas ng klase kung saan kumikita ang bilanggo
  • Mga disciplinary na pagkakasala na natamo sa buong panahon ng pagkakakulong
  • Iba pang kaganapang posibleng makaapekto sa pagkalkula ng oras

Pagsusumite ng Mga Alalahanin

Maaaring ipasa ng mga bilanggo ang mga katanungan ukol sa pagkalkula ng panahon sa:

Virginia Department of Corrections
ATTN: Correspondence Unit/Court & Legal Section

PO Box 26963
6900 Atmore Drive
Richmond,  VA 23261
Bumalik sa itaas ng page